Boy Abunda kinukulit ng partido ni P-Noy na tumakbong Senador sa 2016

boy abunda

USAP-USAPANG inalok ng Liberal Party si Boy Abunda para kumandidatong senador sa halalan sa 2016.

Hindi pa malinaw sa amin kung tinanggihan o tinanggap ni kuya Boy ang offer ng LP dahil hindi pa namin nakakausap ang TV host pero base sa huling panayam namin sa kanya, wala siyang planong tumakbo bilang congressman o senador dahil legislative post daw ito.

Agad naming hinanap ang tape interview namin noon kay kuya Boy at sinabi nga niya na mas gusto niya ang local position tulad ng gobernador sa sarili niyang probinsiya, sa Eastern Samar para direkta niyang matutulungan ang mga kababayan.

Sabi ng TV host, base sa interview namin sa mga unang buwan ng 2015, “If ever I’m going to run, gusto ko sa bayan ko kasi I want to give back. Pero as of now, wala sa isip ko, tinanong mo lang ako Reggee kung sakali and I give you a hypothetical answer.

“Dapat kasi pinaghahandaan ang pagpasok sa pulitika, hindi lang sap era, dapat mentally, emotionally and physically. Kaya kung tatanungin mo ako at this very moment, malabong kumandidato ako, dito muna ako sa showbiz,” aniya.

Kung totoong inalok nga ang Aquino And Abunda Tonight host na tumakbong senador, e, malamang ang isasagot nito ay hindi, pero sabi nga, walang imposible sa politika.

Read more...