DJ Mo walang takot na pinangalanan ang PBA exec sa sex scandal

mo twister

Walang takot na ibinandera ni Mo Twister ang name ng PBA executive na na-link sa isang female model. Mo told a sports website operator kung sino ang executive na nagkaroon ng affair sa isang FHM model dati.

Siguro ay iyon ang ganti niya sa pag-ban sa kanyang podcast interview sa girl. Gigil na gigil si Mo dahil for the first time ay pinagsabihan siyang hindi ie-air ang kanyang episode.

Say ni Mo sa website article, siya ang nagsasabi kung dapat i-ban ang isa niyang episode, never na siya ang pinagsabihan. There were times na hindi niya ini-air ang kanyang podcast interview dahil na rin sa kahilingan ng kanyang iniinterbyu.

Actually, mukhang nasa beast mode si Mo lately. His recent tweet showed it, “Dear @Magic899, I give you permission to pay for better internet service & take it out of my salary, for the benefit of all,” tweet niya.

This was followed by, “and to the current Internet Service Provider of our show, put****na niyo.”

Read more...