Kathryn inisnab daw si direk Bobot sa Star Magic Ball

kathryn bernardo

Kailangan sigurong hilutin ni Kathryn Bernardo ang tampo ni Direk Bobot Mortiz. Hindi raw kasi pinansin o nilapitan man lang ang kanyang tatay-tatayan simula pa noong Goin’ Bulilit days.

Idinaan ni direk Bobot sa blind item ang tampo niya sa isang artista na hindi man lang daw siya nilapitan para bumeso o magbigay galang.

Narito ang post direk Bobot sa kanyang Facebook account: “First time kong um-attend ng Star Magic ball ang saya, natutuwa ako nakita kong lahat ang mga bulilit kids ko dati.

Mga super sikat na sila, lahat lumapit at bumeso sa akin, isa lang ang hindi, pag sumikat ako di rin kita lalapitan. Hehe.”

Binasa namin ang mga komento at si Kathryn ang itinuturo ng netizens na i-kinagulat namin dahil hindi naman snobbish ang image ng dalaga.

May karapatang magtampo si direk Bobot dahil sa kanya nga naman nagsimula si Kathryn. Ano kaya ang masasabi ni Kathryn tungkol dito? Paano niya ipaliliwanag ang insidente?

Read more...