Kris binalaan ng doktor kaya magre-resign sa A&A

kris aquino

Speaking of Aquino & Abunda Tonight, may nagparating sa amin na nakatakdang makipag-meeting kay ABS-CBN Head Free TV, Cory Vidanes si Kris Aquino dahil plano na yata ng Queen of All Media na bitawan na ang programa nila ni Boy Abunda for health reasons.

Kung hindi kami nagkakamali, nu’ng Martes ng gabi nakipagkita si Kris sa bossing ng Dos para pormal na magpaalam base na rin sa payo ng mga kapatid at doktor niya, kailangan niyang magbawas ng trabaho dahil hindi siya tuluyang gagaling.

Pagkatapos ng “Etiquette For Mistresses” ay nakatakdang umpisahan agad ni Kris ang pelikula nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na “Mr. & Mrs Split” na official entry sa 2015 MMFF ng Star Cinema.

Oo nga naman, kung uumpisahan niya agad ang pelikula nila ni Bistek at may A&A pa siya plus may Kris TV pa sa umaga, tiyak na bagsak na naman ang katawan ng TV host-actress.

Teka, guaranteed contract si Kris sa ABS-CBN at alam namin ay dapat may tatlong programa siyang umeere.Ang mabilis na sagot ng aming source, “Flexible naman ang ABS kapag health na ang dahilan.”

At kung hindi rin nagkakamali ang aming kausap, posibleng sa susu-nod na linggo na magsisimula ang The Boy Abunda Show kapalit ng Aquino & Abunda Tonight.

Read more...