SUPORTA ng publiko ang hiningi ni Sen. Grace Poe nang pormal siyang pormal na magdeklara na tatakbo sa pagkapangulo.
“Sana po ay samahan ninyo ako sa pagpanday ng maganda at makabuluhang hinaharap ng ating inang bayang Pilipinas,” ani Poe sa kanyang talumpati sa Bahay ng Alumni sa University of the Philippines sa Quezon City.
“Ako po si Grace Poe. Pilipino. Anak, asawa at ina at sa tulong ng Mahal na Diyos ay inaalay ko sa inyong lahat ang aking sarili sa mas mataas na paninilbihan bilang inyong Pangulo,” dagdag pa ng senador.
Inalala rin ni Poe ang pagmamaliit sa kanyang ama ng ito ay tumakbo noong 2004 presidential elections “ngunit buong tapang niyang hinarap ang hamon at hindi inurungan ang pagkakataon na tumulong na mapabuti ang buhay ng kapwa Pilipino”.
Inilahad din ni Poe ang ilan sa kanyang plataporma na mag-aangat ng edukasyon, agrikultura, imprastraktura, climate change, turismo at pagtulong sa mga nagugutom na pamilya.
Hayagan ding sinabi ng senadora na isang bukas na aklat ang kanyang buhay.
“Sino ang mag-aakala na ang isang sanggol na natagpuan ay makakatuntong sa Senado? Salamat sa pagkakataon na ibinigay ninyo sa akin,” aniya.
Tinaya na mahigit 5,000 supporters ang nakibahagi sa makasaysayang paghahayag ng kandidatura ni Poe.
Kabilang dito ang FPJ-PM, GP Movement, Go Grace Poe, An Waray Partylist, Great People Movement for the Philippines, All 4GP Movement at Ako Bicol Partylist.
Dagsa rin ang mga artista na nagbigay ng suporta kay Poe kabilang sina Dingdong Dantes at misis na si Marian Rivera, Ogie Alcasid at misis na Regine Velasquez, Zoren Legaspi at misis na si Carmina Villaruel, Richard Gomez at misis na si Rep. Lucy Torres Gomez.
Ilang political party rin ang nagbigay ng suporta kay Poe kabilang ang Nacionalista Party, Nationalist Peoples Coalition, National Unity Party and Makabayan bloc.
Nagbigay din ng suporta ang Magdalo Group.
Grace Poe nagdeklara, nangampanya
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...