Pastillas Girl ng Showtime inakusahan ng pangongopya

pastilas girl

Sumisikat na si Pastillas Girl, 21-year-old Angelica Jane Yap.

Naging popular siya dahil sa kanyang How To Make Pastillas video kung saan itsinika niya ang pinagdaanan niya sa kanyang boyfriend while telling her audience kung paano gumawa ng pastillas.

Nang umapir si Angelica Jane sa It’s Showtime para humingi ng advice kay Madam Bertud (Vice Ganda) ay doon siya higit na nakilala.

Pinabalik si Angelica Jane and this time parang meron nang bagong segment ang show, ang Twitterserye kung saan hinahanapan ng Mr. Pastillas si Pastillas Girl. Just recently, nag-trending worldwide si Pastillas Girl, talagang pinag-usapan siya.

Clearly, she’s marking a mark on television, thanks to It’s Showtime na nagbigay sa kanya ng break.
Actually, pretty si Angelica Jane na taga-Quezon City. Slowly, nakikilala na siya nang husto and in no time ay sisikat din ang bata.

Actually, meron na ngang intriga kay Angelica Jane. Isang Miel Francisco ang nagtatalak sa Facebook, taking a swipe at Angelica Jane dahil sa kanya daw ang recipe on how to make pastillas.

“Dun sa mga umangkin ng recipe ng pastilias ko. Inyong inyo na sige sanay naman akong mawalan. Hahahahaha,” say ni Miel.

Agad-agad naman ang naging reply ni Angelica Jane, “Sorry if hindi ko nalagyan ng credits. I don’t want issues po. Never ko naman na-claim na akin ‘yung recipe ate. I even shared the photo but it wasn’t from your account kasi madami din ang nagshare.

Sorry for this. Guys it was all from her. Napagkatuwaan lang gawan ng video. Give all the credits to her. It was a nice recipe which made all this viral.”

Read more...