Pipi umawat sa rambol, kinatay | Bandera

Pipi umawat sa rambol, kinatay

John Roson - September 16, 2015 - 03:49 PM

bukidnon2
Nasawi ang isang lalaking pipi’t bingi nang pagsasaksakin habang umaawat sa mga lalaking nag-rambol sa Maramag, Bukidnon, iniulat ng pulisya kahapon.

Agad ikinasawi ni John Rey Serana, 22, ang saksak sa iba-ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat ng Bukidnon provincial police.

Naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi Lunes sa Purok Pig-awakan, Brgy. Dagumba-an.

Lumabas sa imbestigasyon na nag-iinuman si Serana at ilang kaibigan sa plaza ng barangay, hanggang sa sumali sa kanilang grupo ang isang Glenn Sabac at Rustom Yague.

Sa gitna ng inuman ay nagkaroon ng pagtatalo sina Sabac at Yague sa mga kasama ni Serana, at nakipag-rambol sa kanila, ayon sa ulat.

Sinabi sa pulisya ng mga saksi na sinubukang awatin ni Serana lahat ng nag-aaway, nang siya’y biglang hilahin palayo at pagsasaksakin ni Yague.

Matapos iyo’y tumakas si Yague kasama si Sabac, ngunit nadakip ng mga barangay tanod at itinurn-over sa mga pulis.

Nakaditine ngayon sina Yague at Sabac sa Maramag Police Station at ipinagharap na ng kasong murder sa provincial prosecutor’s office sa Malaybalay City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending