Isabelle walang arte, game na game humiga sa kabaong

ISABELLE DAZA

ISABELLE DAZA

Gustung-gusto talaga namin ang beauty ni Isabelle Daza kaya hangga’t maaari ay hindi namin pinalalampas ang Nathaniel dahil doon lang naman namin siya napapanood.

In fairness, hindi lang maganda ang mukha ni Belle kundi marunong din naman siyang umarte kaya hindi rin nagkamali ang ABS-CBN sa pagkuha sa kanya mula sa GMA.

Same thing na hindi rin naman nagsisisi si Isabelle nang lumipat siya sa Kapamilya network dahil nabigyan nga siya ng napakalaking serye at hataw pa sa ratings, kung saan kasama rin sina Gerald Anderson, Shaina Magdayao at Marco Masa with Ms. Coney Reyes, Pokwang, Ogie Diaz, Sharlene San Pedro, Jayson Gainza at Baron Geisler.

Sa ginanap na presscon ng pelikulang “Resureksyon” ay natanong ang aktres kung may follow-up project na siya pagkatapos ng Nathaniel, aniya, “Chill muna ako, gusto ko munang magpahinga.”

Napagod ba siya kaagad sa Nathaniel bilang kontrabida? “Hindi naman, magiging busy ako sa pagpu-promote ng movie namin, my first lead role itong ‘Resureksyon’ na showing na sa Sept. 23.

“First time ko ring makasama si direk Alfonso “Borgy” Torre III, at humanga ako sa kanyang vision at nang mabasa ko ang script, marami agad akong itinanong sa kanya at nasagot naman niyang lahat. Kaya nag-trust ako sa kanya at sinunod ang lahat ng mga ipinagawa niya sa akin.

“Na-challenge ako sa role ko rito as vampire at natuwa ako dahil noon pa naman lagi na akong fascinated sa vampire movies. Kaya hindi ako natakot na gampanan ito, kahit iyong eksenang inilagay ako sa kabaong, hindi naman ako natakot kahit medyo claustrophobic ako.

“Tamang-tama naman na marami rin akong natutunan noong nagsu-shooting kami ng Kubot: The Aswang Chronicles,” ani Isabelle.

Sa madaling salita, one at a time lang ang drama ng morenang aktres pagdating sa projects kumpara sa iba na ang gusto ay sunud-sunod.

Read more...