‘Wannabe’ walking drug store, panay naman ang yosi

MISTULANG drug store ang sasakyan ng isang pulitiko na subject natin sa a-ting Wacky Leaks ngayong araw dahil sa dami ng mga gamot na kanyang dala kahit saan man siya magpunta.

Hindi ito illegal drugs kundi mga lehitimong gamot para sa mga ordinaryong sakit tulad ng lagnat at pananakit ng tiyan.

Pero bukod sa mga gamot ay sangkatutak ding mga disinfectant ang kanyang dala sa kanyang mga byahe lalo na kapag out-of-town.

Walang masama rito dahil mahirap na nga naman ang magkasakit sa panahong ito.

Pero, ayon sa mga staff ng mambabatas na ito ay sobra naman sa pagiging OA ng kanilang amo na akala mo raw ay walang mikrobyo sa katawan.

Pero ang inililihim ng pulitikong ito sa publiko ay ang kanyang labis na paninigarilyo at pag-inom ng alak lalo na kapag nahaharap siya sa mga stressful situation tulad ng grabeng pamumulitika.

Minsan sa kanilang lakad sa probinsya ay nasigawan ng ating bida ang kanyang closed-in staff dahil naiwan nito sa kabilang sasakyan ang yosi at rubbing alcohol ng kanyang cute na amo.

Kapag humaharap kasi at nakikipagkamay sa maraming tao ay pasimple itong naghuhugas ng mga kamay gamit ang alcohol.

Ibang-iba rin daw ang imahe ng mambabatas na ito sa publiko kumpara sa kanyang pagkatao sa tunay na buhay.

Halos lahat daw ng kanyang mga kalaban niya sa pulitika ay binibinyagan nya ng mga bagong pangalan na hango sa mga cartoon characters.

Sinabi ng ating Cricket na masyado ring masakit magsalita ang ating bida kahit sa mga tauhan na lagi na niyang kasama.

Sa tingin ng kanilang mga staff ay grabe ang insecurities sa katawan ng pulitikong ito kaya nang makakuha ng atensyon sa publiko ay hindi na niya ito binitawan at hanggang sa ngayon ay mabangong mabango ang kanyang pa-ngalan. Ang kasikatan na ito ngayon ang kanyang gamit sa kanyang mataas na ambisyon para sa darating na eleksyon bukod pa sa may mga tao raw siyang gustong paghigantihan.

Hindi na tayo magbibigay ng dagdag na clue dahil kilang-kilala naman sya sa mga panahong ito.
Magandang Araw Po Sa Ating Lahat.

Read more...