Ilang bossing ng ABS-CBN masama ang loob kay Aiza?

AIZA SEGUERRA

AIZA SEGUERRA

Nakakuha na kami ng inside information kung bakit hindi na mapapanood si Aiza Seguerra sa ASAP20.
Sabi ng aming source, “Pinagpahinga muna siya ng ABS (management) kasi tumanggap siya ng show with Ryzza (Mae Dizon) na itatapat sa Ningning.

“E, ang production ng may hawak ng Ningning ngayon ay siya ring production na may hawak noon sa Be Careful With My Heart, remember?

“Hindi ba’t muling gumanda ang career ni Aiza sa Be Careful as Kute? Tanda mo?”

Ang sabi namin, may name na naman si Aiza bago pa siya napasama sa kilig-serye nina Richard Yap at Jodi Sta. Maria.

“Reggee, aminin mo, matamlay na ang career niya that time, binuhay na lang ng ASAP ang singing career niya lalo na nu’ng napasama siya sa Sessionistas kaya nakapag-travel abroad at kung saan-saan pa, plus mas lalong uminit sa Be Careful!” sabi pa sa amin.

So, masama ang loob ng ABS-CBN management dahil tinanggap ni Aiza ang serye nila ni Ryzza Mae Dizon?

Baka naman kasi walang offer kay Aiza ang Kapamilya network at kailangan din naman niyang kumita kaya nang i-offer sa kanya ng TAPE ang serye nila ni Ryzza Mae ay tinanggap na niya lalo’t hindi naman katapat ng ASAP.

Saka binanggit din namin na tumatanaw lang ng utang na loob si Aiza dahil ang TAPE ang nakadiskubre sa kanya noon sa Eat Bulaga sa pamamagitan ng Little Miss Philippines.

“Oo nga, pero saang network ba ulit sumikat si Aiza?” hirit sa amin.

Okay Fine!

Read more...