IN character kaya si Baron Geisler sa role niya bilang Tagasundo o si Gustavo sa seryeng Nathaniel nang magwala diumano ito sa Luna J Restaurant sa may Morato Extension, Quezon City noong Linggo ng gabi?
Ito ang nakarating sa aming balita mula sa ilang customers ng restaurant, ayon sa mga ito, nagmura pa raw sila ni Baron sa loob ng restaurant.
Wala naman daw pumatol sa aktor dahil inisip ng mga customer na nakainom na naman ito at hindi na kayang kontrolin ang sarili.
“Wala naman pong nasaktan, nag-trip lang siguro,” ang sabi sa amin ng isang customer na ayaw ipabanggit ang pangalan.
Teka, hindi ba’t pag-aari ni Richard Yap ang nasabing resto? Alam ba ito ni Baron? Tinanong namin kung may taping sa nasabing lugar ang Nathaniel, baka kasi, bahagi lamang ng mga eksena ni Baron sa nasabing serye ang nakitang eksena ng aming kausap.
Ang sabi sa amin ng aming kausap, “Wala po.” Hmmmm, baka naman kaya gumawa na naman ng eksena si Baron ay dahil mawawalan na naman siya ng raket dahil patapos na nga ang Nathaniel na humahataw sa ratings game.
In fairness kay Baron, hindi na namin mabilang sa aming mga daliri (sa kamay at sa paa) kung ilang beses na siyang nasangkot sa mga iskandalo ngunit hindi pa rin nagsasawa ang ABS-CBN at iba pang producers na bigyan siya ng mga proyekto.
Sabi nga, you can never put a good man down. Bukas ang pahinang ito para sa pagpapaliwanag ni Baron hinggil sa nasabing isyu.
Habang sinusulat namin ang balitang ito, sinusubukan din naming kunan ng pahayag ang mga may-ari ng Luna J resto para makumpirma kung pumunta nga roon si Baron at gumawa ng eksena.
MOST READ
LATEST STORIES