Ipinababasura ni Buhay Rep. Lito Atienza ang ginagawang pagsasapribado ng mga palengke ni Manila Mayor Joseph Estrada.
Iginiit ni Atienza, dating alkalde ng Maynila, na paglabag sa City Charter ang ginagawa ni Estrada.
“It is clearly against the City Charter and the Local Government Code because the operation of public markets is an essential, vital public service that should be provided by the local government and not by private corporations,” ani Atienza.
Maituturing din umanong bahagi ng kasaysayan ang Quinta Market na may 100 taon na.
“Hindi maaring sabihin na ito ay lumang luma na sapagkat ating ginastusan, inayos at pinaganda nung ating panunungkulan. You can repair the drainage and electrical systems pero wag nyo gibain para ibigay sa pribadong may-ari.”
Sa halip na gibain at isapribado, dapat ay ipaayos na lamang ang 17 palengke sa Kamaynilaan. Magmamahal din umano ang babayaran ng mga kukuha ng puwesto mula P20 ay magiging P80 ito na magreresulta umano sa pagmahal ng presyo ng bilihin.
“The operation and service of public markets is to provide affordable goods para sa mahihirap. Pag isinapribado, pag pinuhunanan nila yan, siguradong hindi na public market ang character nyan, malamang ang renta nyan ay hindi na P20 kundi P80 per square meter,” dagdag pa ni Atienza.
Sinuportahan ni Atienza si Estrada noong 2010 presidential elections.
Atienza vs Erap sa palengke
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...