Horoscope, September 14, 2015

Para sa may kaarawan ngayon: May mga sopresa at kakaibang pangyayaring darating. Sa pag-ibig muling titibok ang puso, sa biglaang pagkakita sa dati mong crush. Sa pinansiyal, may mag-aalok ng bagong pagkakakitaan na siguradong kikita – sunggaban agad. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 48. “Aum-Bhanah-Bhanah-Aum.” Silver at metallic blue ng buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Ang pagiging matapat ang susi ng tagumpay. Maging tapat sa sinumang kausap. Sa pag-ibig, magpakatotoo sa tuwing kakausapin ang kasuyo upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan. Mapalad ang 3, 9, 18, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga!” Maroon at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Lahat ng tao ay may utang. Isipin mo na lang na darating din ang panahong makakabayad ka rin. Sa pag-ibig, mag-isip ng paraan kung paano ka matutulungan ng iyong kasuyo sa aspetong pang-pinansyal. Mapalad ang 2, 19, 27, 34, 40, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Purple at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Negosyong may kaugnayan sa modernong kumunikasyon ang iaalok ng isang kaibigan, kung siya ay isang Virgo makisosyo sa kanya. Sa pag-ibig, may magte-text, ang dating kasuyo – na mi-miss ka na nya! Mapalad ang 6, 18, 23, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Gray at yellow ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Kahit malamig ang panahon hindi ka dapat tamarin. Lalo mo pang pasiglahin ang kalakal na may kaugnayan sa transportasyon at modernong kumunikasyon. Sa pag-ibig, itext ang kasuyo ng: “Ingat… I love you…. Miss u..!” Mapalad ang 5, 9, 28, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. White at silver ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Magiging masaya at masagana ang darating na kapaskuhan kung papalitan ang lumang kurtina o pintura ng dingding sa inyong bahay. Dilaw at apple green ang magdadala ng maraming salapi at kaigaigayang pag-ibig at pagmamahalan sa buong pamilya. Mapalad ang 6, 9, 18, 29, 30 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”.
Virgo – (August 23 – September 22)—Imbis na emosyon upang kumita ng malaking halaga, utak ang gamitin. Sa pag-ibig, sa sandaling naging emosyonal, muli na namang papatak ang luha. Mapalad ang 1, 10, 27, 33, 37 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Mohan-Karan-Om.” Blue at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Upang hindi na muling malugi siguraduhin mo munang may feasibility study ang papasuking negosyo. Tandaan mo sa bawat ikalulugi, malaking halaga ng salapi ang nasasayang. Sa pag-ibig, bago mahuli ang lahat ngayon palang ibigay na at ipadama ang mga bagay na nagpapaligaya sa kasuyo. Mapalad ang 6, 9, 23, 29, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Govinda-Om.” Pink at gray ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Iwasan ang bisyo at mas mainam na panatiliing malusog ang katawan, upang hindi na gumastos ng malaking halaga sa pagpapa-ospital at pambili ng mamahaling gamot. Tandaang ang kalusugan ay kayamanan. Mapalad ang 7, 16, 23, 37, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Gayatri-Om.” Red at white ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Positive thinking ang kailangan laging isilid sa isipang: “Kikita ako ng malaking halaga!” Makikita mo, yon nga ang kusang mangyayari! Sa pag-ibig, wag magisip ng masama sa kasuyo, ang totoo mahal na mahal ka nya! Mapalad ang 6, 17, 23, 25, 35, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Gayatri-Om.” Violet at magenta ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Konting higpit sa salapi ang kailangan upang mas mabilis na makaipon. Sa pag-ibig, imbis na ipanood ng sine, yayain ang kasuyo sa tahimik na silid at doon kayo mag-loving-loving. Mapalad ang 4, 16, 22, 29, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Shati-Om-Pad-Me-Om.” Orange at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Hangga’t hindi nalilimot ang nakaraan, magiging alipin ka ng kasawian. Tamang panahon ngayon upang limutin na ang kahapon. Abangan mo ang pagdating ng bagong araw sa silangan at simulan na ang pagbabagong buhay. Mapalad ang 4, 13, 22, 28, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Savitra-Aum.” Yellow at white ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Wag magpabago-bago ng isip, upang kumita ng malaking halaga biglang desisyon at aksyon agad ang ipapatupad. Sa pag-ibig, wag babagal-bagal, kapag may nagpakita ng motibo – sunggab agad! Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 42, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam”. Lilac at pink ang buenas.

Read more...