Ang ka-chat mate na ba ang makakatuluyan?

Sulat mula kay Jasmine ng Happy Homes, Daet, Camarines Norte
Dear Sir Greenfield,

May ka-chat po ako sa ngayon at magwa-one year na ang aming relasyon. Actually boyfriend ko na siya at gusto na nya kami ay magkita. Ang kaso natatakot akong makipag-kita, kasi iniisip kong baka siya ay may asawa na. Mas matanda kasi siya sa akin ng 8 years. August 14, 1990 ang birthday ko at February 16, 1982 naman ang birthday nya. Itatanong ko lang po kung compatible ba kami, at kung totoong binata siya, siya na kaya ang makakatuluyan ko?
Umaasa,
Jasmine ng Cheryl ng Daet,
Camarines Norte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang malinaw at magandang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay malinaw na tanda na kung sino ang uang magiging totohanang first boyfriend mo, sa bandang huli, ang first boyfiend mo na ring ito ng totohanan at seryoso ang siya na ring makakatuluyan mo at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.
Cartomancy:
Puwedeng-puwede kang makipag-kita ng personal sa ka-chat mate mo dahil ang barahang Jack of Clubs, Nine of Hearts at Seven of Diamonds (Illustration 1.) ang nagsasabing binata pa at walang pananagutan sa buhay ang ka-chat mate mo, at sa una nyong pagkikita ang dating relasyon sa social media o sa internet ay mauuwi na rin sa pormal at totoong pagsusuyuan, na hahantong sa isang maligaya at pang habang buhay na pagmamahalan.
Itutuloy…

Read more...