Ex-convict (2)

Sulat mula kay Nestor ng Luyag, Carmen, Cebu City
Problema:
1. Dati po akong nakulong pero laya na ako ngayon. Ang problema, nag-aaplay ako ng trabaho, pero ayaw naman akong tanggapin lalo na kapag nalaman nila na may record ako. Naisipan kong sumulat sa inyo, upang itanong kung sa ganitong kalagayan ng aking buhay makakatagpo pa kaya ako ng isang regular at matatag na trabaho para makabawi naman ako sa mga panahong nasa loob ako at matulungan ko ang aming pamilya.

2. Kung makakatagpo ako ng trabaho, kailan at saan kaya, sabik na kasi akong kumita ng sarili kong pera at mai-intrega sa aking mga magulang. Sa ngayon ay wala po akong girlfriend at gusto ko ring makapag-asawa, kailan kaya ako magkaka-girfriend at makapag-aasawa? June 4, 1984 ang birthday ko.

Umaasa,
Nestor ng Carmen, Cebu

Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Gemini (Illustration 2.) ay nagsasabing bukod sa pagkakaroon ng trabahong regular ikaw ay magkakaroon ng sariling negosyo sa tulong ng isang babaing isinilang sa zodiac sign na Sagittarius at sa bandang huli ang babaing ito na ang mapapangasawa mo.
Numerology:
Ang birth date mong 4 ay nagsasabing biglang suwerte ang mangyayari sa iyong kapalaran, kung saan, iyong inaakala mong pagkakakulong na dating nagbigay sa iyo ng kamalasan, ang siya pang magtutulak sa iyo upan matapos kang makalaya sa ngayon ay higit mo pang pagsikapang lalo ang hindi lang umunlad, kundi ang magpayaman at magkaroon ng isang masayang pamilya sa piling ng isang babaing isinilang sa birth date na 22.

Huling payo at paalala:
Nestor ayon iyong kapalaran basta’t magsikap ka lang na mag-aplay ng mag-aplay dahil tiyak na darating din ang panahong makapagta-trabaho ka sa isang kumpanya o opisina na may kulay asul at dilaw ang logo. Sa nasabing trabaho makakaimbento ka ng negosyo at doon mo na rin matatagpuan ang babaing laan sa iyo ng kapalaran na may initial na V.J., kung saan, sa tulong niya at sa pagmamahalan nyong dalawa, kahit na sabihin pang ex-convict ka, magaganap sa susunod na taong 2016 sa edad mong 32 pataas ang mas marami pang suwerte sa iyong karanasan, hanggang sa tuloy-tuloy ka ng umunlad at magkaroon ng isang masaya at pang habang buhay na pamilya.

Read more...