258 lang sa 6,000 OFWs na nakakulong sa ibang bansa ang natulungan ng gobyerno

UMABOT  lamang sa 258 overseas Filipino workers na nakakulong sa ibang bansa ang natulungan ng gobyerno noong 2014.
Ito ay kahit na umaabot sa 5,979 OFW ang nakakulong sa ibang bansa, batay sa datos ng Department of Foreign Affairs.
Kinondena ng Migrante ang maliit na pondo na inilalaan para tulungan ang mga OFW na may kinakaharap na problemang legal.
‎Ayon kay Migrante chairperson Connie Bragas-Regalado hindi rin nasusunod ang paglalaan ng P100 milyon sa Legal Assistance Fund taon-taon at palaging kulang.
Para sa 2016, wala umanong pondong inilaan ang Malacanang sa ilalim ng LAF.
“This is incredible and unforgiveable. OFWs all over the world are overwhelmed with disbelief and anger. OFWs are especially furious upon learning that no funds are allotted for the LAF in the 2016 budget when millions worth of taxes are being imposed on OFWs through various fees and exactions, such as the BOC’s scheme to tax balikbayan boxes, among others,” dagdag pa nito.
Mayroon din umanong mga ulat na nagsasabi na ginagamit ang LAF sa mga bagay na walang kinalaman sa mga kasong kinakaharap ng OFW.
“Does this mean that the LAF had been subjected to abuse and misuse at the expense of OFWs on death row and in jail?” ani Bragas-Regalado.

Read more...