Ken Chan sa isyung bading: Kilala ko ang sarili ko

KEN CHAN

KEN CHAN

LALAKING-LALAKI ang Kapuso matinee idol na si Ken Chan. Ito ang panini-guro ng binata sa mga magdududa sa kanyang kasarian kapag nagsimula nang umere ang kanyang transgender serye sa GMA na Destiny Rose.

Ito ang kauna-unahang soap opera sa telebisyon na tatalakay sa buhay ng isang transwoman na gagampanan nga ni Ken.

Ayon sa Kapuso young actor, hindi naman daw siya natatakot kung pagdudahan man ng publiko ang kanyang pagkalalaki dahil sa pagganap niya bilang isang lalaking naging ganap na babae sa Destiny Rose na magsisimula na sa darating na Lunes sa Afternoon Prime ng GMA.

Paliwanag ni Ken sa presscon ng nasabing serye, “As long as alam ko sa sarili ko kung sino ako, as long as alam ko sa sarili ko kung hanggang saan ako bilang isang aktor, wala akong kailangang ikakaba o ikatakot, na after ng teleserye ma-imbibe ko yung pagiging Destiny Rose, dahil alam ko naman kung sino ako.

“Bilang isang aktor, alam ko kung kailan dapat kumapit sa isang karakter at alam ko kung paano bumitaw,” paliwanag pa ng binata.

“Ako naman, basta alam ko sa sarili ko kung ano ako, alam ko kung ano ang kasa-rian ko, alam ng pamilya ko ‘yan, alam ni Lord, lalo na ang sarili ko, I’ll do everything for Destiny Rose, du’n sa character niya. I am secured,” hirit pa ni Ken.

Handa na rin daw siya sa mga bashers sa social media na walang sasabihing maganda tungkol sa pagganap niya bilang transgender woman, kabilang na nga riyan ang mga moralista.

Dagdag pa ni Ken, wala siyang balak na patulan o gantihan ang mga bashers niya, “Hindi naman kaila-ngan. Actually, kung makuwestiyon nga ang kasarian ko because of Destiny Rose, matutuwa pa ako, e. Ibig sabihin, effective ‘yon.”

May mga tunay na transwoman ding tumutulong kay Ken para maging makatotohanan ang kanyang pagganap sa nasabing serye.

“Ang pinakaimportante na lagi kong tinatandaan, e-very gagawin ko sa Destiny Rose, sabi nila, ‘You have to think that you are a girl, you have to think that you are a woman.’

“Pag inisip mo at in-internalize mo na babae ka, lalabas ‘yan sa lahat—gestures, yung maliliit na detalye, yung mga mata mo. Parang yun ang pinaka-core na advice,” sey pa ng aktor.

Matinding hirap at sakripisyo rin ang ginagawa ni Ken sa bawat taping ng serye, lalo na sa pagdadamit-babae at pagsusuot ng high heels.

“Physically, sobra siyang mahirap. Alam mo yung nagda-diet ako nang sobra-sobra, pati pag-iisip ko naaapektuhan Pinag-diet nila ako na kumonsulta ako sa doktor dahil di biro yung pagda-diet nang biglaan.

“Malakas ang loob ko at naniniwala ako and I’m ho-ping na mabigyan ko ng justice si Destiny Rose dahil yun ang goal ko, na maipakita ko sa televiewers na kaya kong gawin ang pagiging isang transwoman. At hanggang ngayon, nandun pa rin ako sa process na ‘yon,” aniya pa.

At siyempre, para maging makatotohanan ang kanyang pagganap bilang babae, kinailangan din niyang itago ang kanyang birdie, partikular na kapag nakasuot siya ng hapit na damit bilang si Destiny Rose.

Samantala, grabe rin ang biglang pag-iyak ni Ken habang nagpapasalamat sa mga bossing ng GMA dahil sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya para magbida sa isa na namang serye na siguradong magiging kontrobersyal na naman sa balat ng telebisyon.

Magsisimula na sa darating na Lunes, Sept. 14 ang Destiny Rose pagkatapos ng Buena Familia. Ang Brazilian-Japanese model-actor na si Fabio Ide ang magiging love interest dito ni Ken. Ka-join din sa cast sina Manilyn Reynes, Michael de Mesa, Jackilou Blanco, Katrina Halili, Sheena Halili, Jeric Gonzales, Joko Diaz, Irma Adlawan, JC Tiuseco at Ken Alfonso. Ito’y sa direksiyon ni Don Michael Perez.

Read more...