Vic handa nang maging mister ni Pauleen

VIC SOTTO AT PAULEEN LUNA

VIC SOTTO AT PAULEEN LUNA

Dedma lang si Bossing Vic Sotto sa mga negatibong komento tungkol sa engagement nila ni Pauleen Luna. May mga nagsasabi kasi na hanggang proposal lang ang kayang ibigay ng TV host-comedian kay Poleng at hindi talaga sila aabot sa pagpapakasal.

Pero sabi nga ni Vic, malayang magbigay ng kanilang mga saloobin ang ibang tao, pero naniniwala siya na lahat ng bagay sa mundo ay mangyayari sa “tamang panahon”.

Positibo pang sey pa ni Bossing, “Makita naman nila, e. Kumbaga, makikita mo naman yung fruits of your labor, kumbaga. Mahirap na magsalita. It’s for them to see and believe.”

Dagdag pa ni Vic sa isang TV interview, “Basta I’m loo-king forward of settling down…yung family. Ganu’n lang kasimple. Wala akong pinagtutuunan ng pansin na ganito ang gagawin ko, gagawin natin. I live my life a day at a time. Kung ano ang nandiyan, kung anong dapat gawin.”

Read more...