Totoo ba, Enrique nalasing, nagmura sa loob ng eroplano kaya sinampal ni Liza?

ENRIQUE GIL AT LIZA SOBERANO

ENRIQUE GIL AT LIZA SOBERANO

SI Enrique Gil nga kaya ang laman ng blind item about a young actor who rudely acted during a flight recently? The actor in the article who was drunk daw made a commotion while inside a plane.

Parang kinulit-kulit at pinaghahampas daw nito ang kasamang aktres ayon sa blind item ni IC Mendoza. Ang girl daw na kinulit niya ay sinasabing si Jessy Mendiola na nagalit dahil nasaktan daw sa kanyang paghampas. Parang napahiya raw ang actor at doon na nagkaroon ng commotion.

Kahit na pinipigilan na raw ito ng TV host na allegedly ay si Luis Manzano ay sige pa rin ito sa panglalait sa aktres, bagay na ikinaimbiyerna naman daw ng ka-loveteam nito na si Liza Soberano.

Ang nakakaloka, minura raw nito si Liza? Sa galit daw ng aktres ay sinampal niya ang binata. Naku, true nga ba ito, Enrique? Hindi kasi talaga kami makapaniwala na magagawa mo ito? Pwede rin kasing gawa-gawa lang ang balita para sirain ang magandang image ng binata.

(Editor’s note: Tinangka naming kunan ng official statement ang Star Magic na nangangalaga sa career ni Enrique pero wala pa raw itong opisyal na pahayag.)

Read more...