Relasyon nina Lovi at Heart masisira dahil kay Rocco

LOVI POE AT HEART EVANGELISTA 0911

LOVI POE AT HEART EVANGELISTA 0911

Sa wakas, nabuko na ng karakter ni Heart Evangelista ang ginagawang panloloko sa kanya ng karakter ni Rocco Nacino sa inaabangang GMA Telebabad series na Beautiful Strangers.

Masisira na ba nang tuluyan ang pagkakaibigan nina Heart at Lovi dahil nalaman ng una na ito ang babaeng lihim na ipinalit sa kanya ni Rocco? Tiyak na lalong mahu-hook ang viewers dahil magiging matindi ang confrontation scene ng tatlong Kapuso stars sa patuloy na humahataw sa rating na Beautiful Strangers.

Kasama rin sa Beautiful Strangers sina Benjamin Alves, Dina Bonnevie, Boyet de Leon at marami pang iba. – Djan Magbanua

Read more...