Michael: Feeling ko si KZ ang mananalo sa YFSF!

MICHAEL PANGILINAN

MICHAEL PANGILINAN

Bukas na magsisimula ang airing ng Your Face Sounds Familiar ng ABS-CBN kung saan walong artists ang maglalaban-laban till December. The four boys are Michael Pangilinan, Kean Cirriano, Eric Nicolas and Sam Concepcion while the four girls na kasali ay sina Cacai Bautista, Denise Laurel, Myrtle Sarosa and KZ Tandingan. Napakasayang labanan ito ng very promising contenders sa bagong season ng YFSF.

They will occupy the timeslot na nilisan ng The Voice Kids kaya panalo na naman ito tiyak sa ratings.

“Para sa akin, feeling ko lang ha, ang mananalo rito ay si KZ Tandingan. Kasi nga, ibang klase ang friend kong iyan. Nakalaban ko na iyan sa X-Factor before and sa Himig Handog and sa huli, siya ang grand winner namin. Ganyan iyan si KZ, sa start ay parang wala lang pero para siyang diesel na kapag nasilaban ay lalong umiinit.

“Mahuhusay silang lahat pero feeling ko, KZ will win in the end. Mahal ko iyan – she’s like my sister na kasi kaya alam kong grabe ang capacity niyan as a performer,” ani Michael Pangilinan naman na siyang kinatatakutan ni Funnyman Eric Nicolas.

“Ang tingin ko kasi, sobrang lakas nina Sam Concepcion and Michael. Silang dalawa ang para sa akin ang biggest threats sa Your Face,” ani Eric when asked kung sino sa tingin niya ang mananalo in the end.

Read more...