Alex Medina niloko ng babae kaya ayaw munang magdyowa

ALEX MEDINA

ALEX MEDINA

NU’NG isang gabi ay inimbitahan namin ang controversial young actor na si Alex Medina sa “Mismo” program namin ni Papa Ahwel Paz sa DZMM as part ng promo ng bago nitong pelikulang “Heneral Luna”. He’s so much fun to talk with – grabe ang tsikahan namin sa show.

Inabot yata kami ng 30 minutes with him at walang sayang sa kuwentuhan. Matalinong bata – napaka-seductive sa totoo lang. I felt that because bading kaya ako. Ha-hahaha! And take note, kahit ano ang itanong mo sa kaniya ay nasasagot niya with flair and machismo. Lalo na yung tungkol sa pangdadakma sa harapan niya during the Cosmo Bash recently.

“Hindi ko alam kung girl or gay yung humawak sa hipon ko. Ha-hahaha! Baka nanggigil lang. Before naman ako rumampa ay handa naman ako sa kung ano ang mangyayari sa stage. Hindi ko lang na-anticipate that someone out there ay dakmain ang harapan ko. Siguro, medyo mag-iingat na lang ako next time. Ha-hahaha!” biro ni Alex.

He’s truly a Medina – anak talaga siya ni Pen at kapatid nga siya ni Ping. Kasi nga, pare-pareho silang malalalim kausap, pare-pareho silang mahuhusay na aktor. Mga edukado at talagang napakalakas ng sex appeal.

“Two years lang ang natapos ko sa college sa San Beda. I stopped dahil naging busy na ako sa pag-aartista. But gi-ven the chance to go back to school, probably ibang kurso ang kukunin ko – baka Fine Arts dahil mahilig akong mag-drawing. My dad also draws and paints. Sa acting naman, idol ko si daddy. Ang bilis niyang maka-adapt sa character na ginagampanan niya.

“Bihisan mo lang siya ng ganito, nandoon na siya sa character. Ako naman, medyo slow pa ako sa ganya pero pag na-imbibe ko na ang character, pasok na pasok na,” sabi pa ng binata.

When asked about his lovelife, “Sa ngayon ay wala akong girlfriend. Friendly dates lang muna. Kasi nga, late-bloomer ako sa lovelife. Siguro all in all, nakaka-five girlfriends pa lang ako pero hanggang 1 year lang ang itinatagal. Siguro hindi ko pa nakakasalubong yung girl na para sa akin talaga.”

Nang tanungin namin kung ano ang pinakamasaklap na karanasan niya with any girl – a heartache probably, “May nakarelasyon ako dati na talagang sobrang sakit ang naramdaman ko. May kaibigan ako, parang best friend kong guy na meron ding girlfriend that time. Kakilala niya rin ang GF ko. One time, nasabi sa akin ng GF niya na nahuli niyang lumabas sa room ng boyfriend niya (best friend ni Alex) ang girlfriend ko. Ang sakit noon. Since then, ayoko munang ma-in love ulit. It’s not easy to find someone faithful pala.”

Napakagaga naman ng girl na i-yon. Pinakawalan niya ang isang good catch in Alex. Napa-kaguwapo niya habang tinititigan siya. Napaka-sexy and truly gorgeous. Sarap pang kausap. Matalino at mabait. A very good listener. Well, ano ba ang gusto niyang mga katangian in a girlfriend?

“Gusto ko…physically, yung medyo bilugan ang mata. Yung short-haired and medyo may balakang. Siyempre, gusto ko matalino, yung makakausap ko kahit na anong subject. May time na gusto ko ng mestisahin pero may time din na gusto ko ng morena. Ang peg ko for a girlfriend actually ay parang Anne Curtis ang mukha. Yung ganoon.”

Biniro ko siya sa show na hindi ako pasok sa criteria. Ha-hahaha! Nag-ilusyon akong girl ako for him to like me. Gaga ko, di ba? Sabi ko, patay na kasi long-haired ako pero sa usapang balakangin, hindi lang ako balakangin, malaki pa tiyan ko. Kaloka!

Palala na ako nang palala dahil sabi ko nga, iyan ang mga type kong boys – very Alex Medina. I find him really gorgeous, a dreamboy dahil super oozing with sex appeal.

Nag-sexy talk din kami that night. Tinanong namin siya kung ano ang suot niya pag natutulog siya at kung anu-ano.pa.

“Pag magka-chance ako, papaliitin ko pa ang tiyan ko. Medyo may konti pa akong concern para lalong gumanda ang katawan ko. Pag luma-labas ako, I usually wear t-shirts lang and maong. Pero pag sa bahay, naka-briefs lang ako usually pag natutulog ako. Sa food, usually ay hindi ako nagbi-breakfast, lunch agad.

Right now he’s busy doing another funny indie film, ang “Echorsis”, comic version yata ito ng “Exorcist”. He wishes to do more movies in the next days kaya watch out for our new Papa in town – Alex Medina.

Read more...