TATAKBO na nga ba siya sa pagkapangulo sa 2016 elections?
Ngayong hapon, may malaking announcement na gagawin si Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Kung ito nga ba ay may kinalaman sa darating na halalan, ay siya pa lang ang nakakaalam.
Ayaw magbigay ng anumang detalye ang kanyang mga tauhan, maliban sa lugar kung saan gagawin ang deklarasyon ng alkalde.
Gagawin ito sa Grand Men Seng Hotel, mamayang alas-4.
Kamakailan lang ay naging bisita ng Inquirer si Duterte para sa isang roundtable interview.
Sa kanyang pahayag, sinabi nito na wala siyang planong tumakbo dahil ayaw ng kanyang pamilya.
Anila, kwento ng alkalde, matanda na siya para sumabak pa sa mas mataas na posisyon sa gobyerno.
Sakabila nito ay patuloy ang ginagawang paglilibot ni Duterte sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ngunit ang katwiran niya ito ay para isulong ang pederalismo at hindi para “mangampanya”.
Noong Agosto 28, libu-libong suporter ni Duterte ang nagsama-sama para sa “Run Duterte Run” caravan sa Davao City.
May 3,000 behikulo ang sumama sa caravan.
Nakiusap si Duterte na bigyan pa siya ng oras para kumbinsihin ang kanyang pamilya.
MOST READ
LATEST STORIES