Piolo kay Claudine: Lagi siyang nandiyan para sa akin, tunay siyang kaibigan!

claudine barretto

MAUUNA nang magkabalikan sa big screen ang tambalan nina Piolo Pasucal at Claudine Barretto. Inaayos na ang schedule ng dalawang orihinal na Star Magic artists at nailatag na rin ang concept ng reunion movie na gagawin nila for Star Cinema.

“Nag-pinch na si Direk Wenn (Deramas) sa amin ni Clau. We just have to pinch it to Tita Malou (Santos) and then from there we will decide if there’s a schedule for it.

If there’s avai-lability for us both,” pahayag ni Piolo noong makausap namin sa Sun Life Financial’s “#Live FreePH Movement” launch kamakailan.

Ngayon pa lang ay may nagsasabi ng si Piolo ang tutulong kay Claudine na muling bumalik ang “charm” niya sa box-office. Ayaw namang pa-pressure ni Piolo tungkol dito.

“If I want to do it I would do it and not because I want to help Clau because it’s for us both. I mean, Clau is Clau. No matter what happened to her, Clau is Clau.

“She’s the only one who has the right to claim whatever she owns. Parang for me, when I was starting out, Clau really helped me and you know, until now, Clau has always been there for me. She’s a real friend,” lahad ni Piolo.

Hurt si Papa P kapag sinasabi na siya ang magdadala kay Claudine dahil keri naman daw ng aktres ang magdala ng sarili niyang pelikula. “Magaling naman si Clau. Matagal naman niya akong dinala,” diin pa niya.

Baka next year na gawin nina Piolo at Claudine ang kanilang reunion movie. For the meantime, busy si Piolo sa ad campaign ng Sun Life all over the country kasama ang kanyang anak na si Iñigo.

Na-witness namin ang performance ng mag-ama sa free concert na binigaay ng Sun Life for the public at ang kyut nila panoorin habang naghaharutan on stage.

Before their concert, we had the chance na makausap si Papa P sa dressing room nila ni Iñigo. We asked him kung may plano ba na magkaroon ng mas malaking concert sila ng kanyang anak.

“Okey na muna ‘to para at least masanay kami… magkaroon kami ng chemistry on stage. We get to banter, we get to have a repertoire na alam namin, mas kabisado namin ang isa’t isa. Kesa nasasalang kami na nagkakapaan kami,” sabi pa ni Piolo.

Read more...