Luis Alandy nagulat sa ginawa ng anak ni Grace Poe kay Jasmine

luis alandy

Walang tampo o problema si Luis Alandy sa GMA kaya nasa TV5 na siya ngayon. Kasama ang aktor sa bagong seryeng My Fair Lady ng TV5 kung saan makakasama niya si Jasmine Curtis.

Sey ni Luis perfect timing ang alok ng TV5 sa kanya dahil katatapos lang ng primetime series niya sa GMA na The Rich Man’s Daughter nina Rhian Ramos at Glaiza de Castro.

Sa nakaraang presscon ng My Fair Lady sinabi ni Luis na nakakontrata pa rin siya sa GMA pero pinayagan siyang rumaket muna sa TV5, “Well, yun nga po, kakatapos ko lang ng The Rich Man’s Daughter.

Actually, they are pushing for extension kasi okey yung ratings niya. Mara-ming followers, sobrang dami talaga.“Kahit saan ako magpunta, yun ang sinasabi nila na pinapanood nila yung The Rich Man’s Daughter.

Pero siguro dahil medyo nag-over budget kami, kaya naintindihan naman namin ang desisyon ng network. “At least yung ending namin naging controversial.

Masaya naman at before pa yun, before pa kaming matapos, nasabi na sa akin na TV5 is planning to do an adaptation of My Fair Lady. Kaya bago pa mag-last day ng taping, nag-storycon na kami.

Nagpaalam naman ako nang maayos. I think yung relationship naman ng GMA at TV5, okey naman.”
Maganda rin daw ang role niya sa My Fair Lady na isang environmentalist lawyer.

Aliw din siya sa role ni Jasmine na may pagka-brat. Pero yung karakter daw niya, “May pagka-maepal siya, makulit, di ba. “Kapag nanood ka ng typical Korean series or movie, parang merong ganun sa karakter nila, e.”

Tungkol naman sa surprise visit ng anak ni Sen. Grace Poe na si Brian Llamanzares sa presscon ng My Fair Lady para makilala nang personal ang crush nitong si Jasmine, “Hindi ko naman siya kilala personally.

Nagulat… nagulat kami. Nagulat ako. Pero nalaman ko lang kung sino siya nung papunta na siya. Well, nagulat ako, nagulat ako for Jasmine. Nagulat na natawa,” sabi niya.

Kaya ba niyang gawin yung ginawa ni Brian para lang ma-kilala ang isang babae? “Siguro, kanya-kanyang diskarte ‘yan. Pero so far, ako, hindi naman ako ganung klaseng personality.

Siguro magpaparamdam ka muna, bago yung pupunta. Nakakahiya rin kay Jasmine, parang hindi niya alam ang reaksiyon niya.”

Read more...