Dabarkads sa Metro Manila nagpagutom para sa AlDub

yaya dub

Sabado nang tanghali, parang mga sirenang pagkaingay-ingay ang pagsisigawan sa bawat tahanang Pinoy. “Nagkita na sila!” tili ng aming PA na si Tina Roa, na ang tinutukoy ay ang nalalapit nang pagkikita nang personal ng AlDub.
​Hindi magkamayaw ang manonood, sa bahay nga ng mga kaibigan namin ay naetsapuwera ang tanghalian nila, dahil ang kanilang tutok ay nakatuon sa pagkikita nina Alden Richards at Maine Mendoza.
​Matindi ang tanghaliang ‘yun, talagang umasa ang ating mga kababayan na magkakaharap-magkikita na nga sina Alden at Yaya Dub, kaya pati ang pagkalam ng kanilang sikmura ay ipinagpaliban muna ng masang Pinoy.
​Magagaling ang mga cameraman ng TAPE, Incorporated, napalabas nilang nasa iisang lugar lang ang AlDub, kaya magkikita nga sila.
​Pero nu’ng akmang magyayakapan na ang mga bida ay biglang nauntog si Alden, may partisyon pala ang kinaroroonan nila, mural lang pala ang inaakala ng manonood na pagtatagpuan ng kanilang mga idolo.
​Nakakaloka ang AlDub na ito! Hawak nila sa leeg ang publiko, hindi pinalalampas ang kanilang mga paglalambingan nang malayuan, panalung-panalo ang kinababaliwang loveteam ngayon ng buong bayan!
​Maligayang bati, kalyeserye ng Eat Bulaga! Maligayang bati, AlDub, mahigpit na pakikipagkamay sa inyo, Wally Bayola at Jose Manalo!

Read more...