Binabawi ang mister

Sulat mula kay Jamsin ng Lima, Pastrana, Leyte
Dear Sir Greenfield,
Bago ko napangasawa ang mister ko ay may dati na siyang na ka-live-in. Sabi ng mister ko ay hindi daw sila kasal nito, kaya ng magkahiwalay sila ng ka-live-in niya at niligawan nya ako at nang sinagot ko naman siya ay pinakasalan niya ako kaya kami nga ang naging legal na mag-asawa. Ang problema walang ano-ano, bigla na lang lumutang itong dating ka-live-in ng mister ko at nakipagkita sa kanya at may anak pala sila. Nagkausap kami ng dating ka live-in ng mister ko at ang sabi nya sa akin, kahit daw ano ang mangyari babawiin nya daw sa akin ang mister ko. Alam n’yo Sir natatakot ako sa susunod na mangyayari, may habol ba sa mister ko ang babaing ito at maaari bang magkatotoo ang kanyang banta, na kahit ano ang mangyari ay kukuhanin nya sa akin ang mister ko? Ano po ba ang nakikita nyo sa aking palad, darating kaya ang panahong iiwan ako ng mister ko at muli siyang magbabalik sa kanyang ka-live in? November 7, 1990 ang birthday ko at July 2, 1982 naman ang birthday ng mister.
Umaasa,
Jasmin ng Leyte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Wala kang dapat ikapangamba Jasmin dahil iisa at maganda naman ang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay malinaw na tanda na kahit guluhin kayo ng dating ka-live-in ng mister mo, wala siyang magagawa, sapagkat tulad ng nasabi na, – ikaw ang babaing tinakda ng tadhana na makakasama ng mister mo habang buhay.
Cartomancy:
Queen of Hearts, Two of Clubs at King of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung kayaman o may kaya sa buhay ang mister mo, tulad ng nasabi na, kahit maghabol ng maghabol sa kanya ang dati niyang ka-live in wala siyang magagawa, dahil ang Two of Clubs ang nagtakda – kayo na ang magsasama ng kasalukuyan mong asawa, habang buhay.
Itutuloy….

Read more...