Korina kay Mar: Halos hindi na kami nagkikita, miss ko na siya! | Bandera

Korina kay Mar: Halos hindi na kami nagkikita, miss ko na siya!

Ervin Santiago - September 06, 2015 - 02:00 AM

korina sanchez

Miss na miss na raw ni Korina Sanchez ang asawang si DILG Sec. Mar Roxas dahil halos hindi na sila nakakapag-bonding sa sobrang hectic ng schedule nito ngayon.

“Halos hindi na nga kami nagkikita. Sa totoo lang miss na miss na namin ang isa’t isa,” nakangiting kuwento ni Koring.

Abala na kasi ang mag-asawa sa pag-ikot sa buong bansa para sa kani-kanilang mga adbokasiya. Tuloy-tuloy pa rin ang paglibot ni Ate Koring sa iba’t ibang panig ng Pilipinas para sa “Handog Tsinelas” campaign ng Rated K at para sa kanyang patok na patok na “Five Secrets To Success” na paboritong paksa sa mga unibersidad at mga paaralan.

“Ang sarap ng pakiramdam lalo na kapag nakikita ko ang mga ngiti at saya ng mga batang binibigyan namin ng bagong pares ng tsinelas.

Nakakalimutan ko ang lahat ng pagod kapag hinahalikan nila ako,” ani Korina. “Exciting at masaya din ang mga talks ko sa mga schools dahil nakaka-refresh kasama ang mga estudyante.

Punong puno sila ng pag-asa at sobrang positive nila.”  Si Sec. Mar naman ay busy sa pag-iikot sa bansa habang nagdadala ng mga fire trucks, patrol jeeps, patrol boats, CCTV cameras, at patubig sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Pagkakataon na rin daw ito para marinig ang pulso ng mga tao ukol sa iba’t-ibang isyu. Base sa mga nabasa namin sa social media maraming na-touch sa huling pagbisita ni Mar sa Bacolod partikular na sa Talisay Market, sapagkat tubong Negros ang kanyang ina at pamilya nito.

May eksena rin sina Mar at Korina sa Iloilo kung saan nagkita sila ng di inaasahan. Wala silang kamalay-malay na pareho pala silang naroon at magkakape sila sa isang coffee shop.

“Sinabihan ako ng mga misis ng mga mayor at congressman na natural lang para sa mag-asawa na nasa serbisyo publiko na maging sobrang busy at magkakagulatan.

Ibang klase talaga. Kaya naman di maipinta ang saya naming mag-asawa nu’ng biglaan kaming nagkita sa Iloilo,” kuwento pa ng broadcast journalist.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending