Derek puring-puri ng dyowang model: Sobrang sweet niya, walang yabang!
HINDI raw feel mag-artista ng bagong girlfriend ni Derek Ramsay na si Joanne Villablanca.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay inirampa ni Derek ang kanyang dyowa sa ginanap na premiere night ng pelikula nila ni Coleen Garcia ng “Ex With Benefits” sa SM Megamall kamakailan. Sinuportahan lang daw ni Joanne ang kanyang boyfriend.
Inamin naman ng mo- delo na hindi siya sanay sa ganu’n katinding atensiyon ng publiko kaya parang naiilang siya, “Hindi lang ako sanay sa interviews, like now, this is the first time na ang dami. Usually pa-isa-isa lang, so medyo nahihiya pa ako sa mga ganito.”
Wala rin daw sa plano niya ang pumasok sa showbiz, “No, no, no… I don’t want to get into showbiz.
Nag-guest ako before sa show niya, yung Extreme, but that’s not acting. Yung mga acting-acting, di ko ata kaya yun, nahihiya ako.”
Ang tinutukoy ni Joanne ay ang Extreme Series: Kaya Mo Ba To? na dating reality show ng TV5 kung saan host si Derek.
Ayon pa kay Joanne, natutuwa siya dahil close si Derek sa kanyang 8-year-old daughter. Aniya, bihira raw itong mangyari dahil may pagka-“snob” ang anak niya.
“He’s really good with kids. E, yung anak ko, medyo kailangan niyang kunin ang loob. Nakukuha naman niya, which is rare, kasi medyo snob yung anak ko, e. Pero kay Derek, they get along well,” pahayag pa ng dalagang ina.
Tinanong din si Joanne ng press kung paano niya ide-describe si Derek bilang boyfriend? “He’s a very down-to-earth guy. Sobrang bait niya, walang kayabang-yabang sa katawan. Wala akong masabi.
“Parang you’ll never feel na isa siyang big star. Tapos sobrang lambing niya,” tugon nito.
Ito raw ang talagang pinakagusto niya sa qualities ng hunk actor, “Yes, sweet siya, he really makes me happy. Konting lambing lang niya, kinikilig ako agad, effortless kumbaga.”
Natawa lang ang modelo nang tanungin kung may plano na silang magpakasal ni Derek sabay sabing
“No!”
Wala rin daw problema sa kanya kung makipag-love scene nang paulit-ulit ang kanyang dyowa sa mga pelikula nito. Sa “Ex With Benefits”, mismong si Derek ang nagsabing sandamakmak ang halikan at love scenes nila ni Coleen.
“Hindi (ako nagseselos), kasi nakilala ko siya ganun, e. Even before I actually met him, alam ko lang si Derek…I’ve seen his movies at alam kong ganun ang mga roles niya – laging may love scenes. Wala, hindi siya issue sa akin, never siya naging issue,” aniya pa.
Nang mapanood nga niya ang pelikula, “Actually, the first time I saw it, sabi ko nga, kinikilig ako (while) watching it. Everything, how it was done, sabi ko ang ganda ng trailer.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.