GUD am! Ako po si Mr. Artemio Espiritu.
Gusto ko po lang malaman kung bakit po sa hospital ng PGH hindi po cover up ng Philhealth ang visual sa mata? Isa po lang akong senior citizen na umaasa sa aking dalawang anak at sa konting pensyon ng aking SSS(P2,400). Di po ba s aaming mga senior e prayoridad ng Philhealth at SSS ang aming kalusugan lalo na sa mga publikong hospital? Paano na po kung wala kaming P1,000 o perang mahihingi, hindi na po kami magagamot at mas may posibilidad na mabulag dahil di pa kami nakapagpa-visual sa mata dahil sa kakapusan? Para ano pa’t nag- karoon ng Philhealth at SSS? Maraming salamat po! Ako po ay 74 anyos na po!
REPLY: G. Artemio:
Pagbati mula sa Team PhilHealth!
Upang amin pong matugunan ang inyong idinulog at mai-coordinate sa kaukulang departamento, nais po naming malaman ang ispesipikong operasyon/procedure o diagnosis (kapag ito ay confinement) na isinagawa sa pasyente.
Agad po kaming sasagot sa oras na amin pong matanggap ang in- yong kasagutan. Salamat po. CORPORATE |ACTION CENTER Website: www.philhealth.gov.ph Twitter: @teamphilhealth Facebook: www.facebook.com/PhilHealth Call Center: 441-7442 amv May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com. Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
