Upos ng sigarilyo kinain ng isang turista matapos pagalitan ni Duterte

duterteKINAIN ng isang lokal na turista ang upos ng kanyang sigarilyo habang sinesermunan ni Davao City Rodrigo Duterte kaugnay sa paglabag sa anti-smoking ordinance ng lungsod.
Sa isang Facebook post, ikinuwento ni dating North Cotabato Gov. Manny Piñol na nagpumilit na manigarilyo ng turista sa loob ng restaurant na pag-aari ng kaibigan ni Duterte noong isang buwan.
“Told by the restaurant owner that smoking inside public places is prohibited in Davao City, the smoker defiantly asked: ‘On whose orders? Bakit, pera ba ni Duterte ang binibili ko ng sigarilyo?,’ the smoker reportedly told the restaurant owner when informed that Mayor Duterte is very strict in implementing the Anti-Smoking Ordinance in the city,” kwento ni Piñol.
Idinagdag niya na dahil sa pagiging arogante ng turista, inalerto ng may-ari ng restaurant ang mga pulis at hiniling sa kanila na ipaalam sa mayor ang insidente.
“When Duterte walked into the restaurant a few minutes later, the arrogant smoker turned ashen-faced and immediately dropped his cigarette and stepped on it,” dagdag ni Piñol.
“Witnesses said Duterte calmly sat beside the smoker, pulled out a snub-nosed .38 revolver and poked it at the man’s crotch. ‘Papiliin kita: barilin ko ang bayag mo, i-preso kita o kainin mo ang upos ng sigarilyo mo,’ Duterte reportedly told the smoker,” dagdag ni Piñol.
Pinulot ng turista ang upos ng sigarilyo at kinain ito matapos namang humingi ng sorry kay Duterte.
Bago umalis, sinabihan pa ni Duterte ang turista ng “never ever challenge the law.”

Read more...