Umabot na sa P2.68 bilyon ang halaga ng pinsala at 31 na ang kumpirmadong nasawi dahil sa bagyong “Ineng,” ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Pumalo sa P1.42 bilyon ang halaga ng pinsala sa imprastruktura, P1.23 bilyon sa agrikultura, at P29.7 milyon sa iba pang pag-aari gaya ng mga lamp post at lupang sakahan, ayon sa NDRRMC.
Tatlumpu’t isa katao na ang kumpirmadong nasawi dahil sa iba-ibang insidenteng dulot ng bagyo, 24 ang nasugatan, at siyam pa ang nawawala.
Pinakamarami pa rin sa mga nasawi ay mula sa mga landslide na naganap sa Cordillera.
Samantala, naibalik na noong Martes ang kuryente sa lahat ng bahagi ng Cordillera na naapektuhan ng malawakang brownout bunsod ng bagyo, ayon sa NDRRMC.
MOST READ
LATEST STORIES