PNoy hindi nagsisisi sa paghirang kay Ombudsman Morales

PNoy

PNoy


SINABI ng Palasyo na hindi pinagsisisihan ni Pangulong Aquino ang pagkakatalaga kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales matapos naman ang pag-amin ng huli na iniimbestigahan na ang punong ehekutibo kasama si Budget Secretary Florencio “Butch” Abad kaugnay ng kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).

Sa kanyang briefing, iginiit ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na iginagalang ng Malacanang ang pagiging independent ng Ombudsman.

“The President expects integrity in all branches of government. And so, no, the President does not regret appointing Ombudsman Carpio-Morales,” sabi ni Lacierda.

Nauna nang kinumpirma ni Morales sa pagdinig ng Kamara na nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Ombudsman laban kina Aquino at Abad kaugnay ng DAP.

Kasabay nito, sinabi ni Lacierda na inaasahan na rin ng gobyerno na marami pang magsasampa ng kaso kay Aquino sakaling matapos na ang kanyang termino sa 2016.

“In the universe of possibilities, yes, there are people who will be unhappy with how we went through Daang Matuwid,” ayon pa kay Lacierda.

Read more...