VP Binay: Imbestigasyon kay PNoy at Abad kaugnay ng DAP drama lamang

binay-wallclock-660x496
SINABI kahapon ni Vice President Jejomar Binay na pakitang tao lamang ang imbestigasyon na isinasagawa ng Office of the Ombudsman laban kina Pangulong Aquino at Budget Secretary Florencio “Butch” Abad kaugnay naman ng kontrobersiyal na pagpapatupad ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

“Drama. Just drama. Nothing will happen there,” sabi ni Binay matapos makipag-boodle fight sa mga residente sa Amoranto Park sa Barangay Salvacion sa La Loma, Quezon City.

Idinagdag ni Binay na ito ay base na rin sa kanyang mga karanasan matapos siyang sampahan at ang kanyang anak na si Makati City Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay ng plunder sa Ombudsman kaugnay ng umano’y overpriced Makati City Hall 2 parking building.
Sinuspinde rin ng Ombudsman ang kanyang anak na si Binay ng anim na buwan,.

Inakusahan ni Binay si Ombudsman Conchita Carpio-Morales na nakikipagkuntsabahan sa administrasyon ni Aquino. Si Aquino rin ang itinuturo ni Binay na nasa likod ng imbestigasyon ng Senado ng mga umano’y korupsyon na kinasasangkutan ni Binay,

“My feeling is that this is just drama so that they could start today to kill the accusations (against the President and Abad) because this will be an issue in the election campaign,” ayon pa kay Binay.

Read more...