UAAP tutugma na sa rules ng FIBA

INAASAHANG magiging maayos at walang kalituhang magaganap sa pagtawag sa mga laro sa ika-78 season ng UAAP basketball.
Ito ay dahil nakatugma na ang mga alituntunin ng UAAP sa FIBA rules para hindi na magkaroon ng iba’t-ibang interpretasyon sa alituntunin at tawagan sa laro.
“Whatever that came out with FIBA, we already adopted it to our house rules. Basically we will turn back to FIBA. It’s not really in the sense that we came up with it, it’s a movement towards incorporating as much as possible and FIBA and simplifying our house rules,” wika ng bagong UAAP commissioner na si Atty. Reno “Rebo” Saguisag Jr.
Kasama sa gagamitin ngayon ng liga ay ang Instant Review System na inaasahang magreresolba ng maraming kontrobersya at napipintong protesta lalo na sa mga krusyal na tagpo sa laro.
Ang Basketball Refe- rees Association for Schools, Colleges and Universities (BRASCU) ang siyang pipito uli sa liga. Ang BRASCU rin ang nag-o-officiate sa NCAA ngayon.

Nagdesisyon naman ang pamunuan ng UAAP na paglaruin na si Hubert Cani para sa Ateneo sa taong ito.
Matatandaan na si Cani ay dating manlalaro ng National University Bullpups sa juniors division dalawang taon na ang nakalilipas pero hindi pinahintulutan na maglaro sa Blue Eagles noong isang taon dahil sa two-year residency rule sa mga high school players na lumipat sa kalabang paaralan sa UAAP.
Mike Lee

Read more...