Matutupad na ba ang pangarap na makapagbarko?

Sulat mula kay Allan ng Bood, Ubay, Bohol

Dear Sir Greenfield,
Ako ay tapos ng kursong Marine Transportation at tatlong beses na akong sumubok na makasampa sa barko. Ang problema ay palagi naman akong napepeke at minsan na rin akong naloko ng malaking halaga. Sa ngayon ay may trabaho naman ako sa isang factory, pero hindi ako masaya dahil ang talagang pangarap ko ay magamit ko ang aking kurso at maka-experience na makapag-barko. Kamakailan ay nag-apply ako at may tumutulong naman sa akin na isang dating seaman. Kaya lang ay medyo kinakabahan din ako kasi baka mapeke na naman ako. Sa palagay mo, Sir Greenfield, sa pagkakataong ito ay matutuloy na kaya ako at matutupad na kaya ang pangarap kong makapag-barko? June 25, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Allan ng Bohol
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Walang problema, Allan, aplay lang nang aplay dahil may namataan namang malinaw na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kahit na tatlong beses ka nang naloko at naisahan noong mga nakaraang pag-aaplay mo, sa ikapat at pang-final na pagtatangkang ito, sigurado na ang magaganap. Sa taon ding ito ng 2015 ay may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.

Cartomancy:

Nine of Clubs, Five of Hearts at Ten of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing mabilis ang magaganap ngayong taon, sa pagitan ng Setyembre at Oktubre, at sa edad mong 27 pataas. Ito ay matutuloy ka na makapagbarko sa isang barkong pang-cargo na naglalayag sa rutang Middle East via Indian Ocean.

Itutuloy

Read more...