Inireklamo ng plunder at graft si Vice President Jejomar Binay sa Office of the Ombudsman kaugnay ng maanomalya umanong kasunduan na pinasok ng University of Makati at Systems Technology Institute.
Kasamang inireklamo ni Atty. Renato Bondal ang anak ni Binay na si Makati Mayor Erwin Jejomar Binay, Tomas Lopez, pangulo ng UMak, at ilang pribadong indibidwal na nagsabwatan umano kaya nalugi ang eskuwelahan ng P547.4 milyon mula 2004 hanggang 2015.
Itinayo umano ng Makati City Government at STI ang Philippine Health Educators upang pangasiwaan ang College of Nursing ng UMak kahit hindi naman umano ito kailangan.
Sinabi ni Bondal na nagbayad pa ang Makati government ng professional fee sa STI kahit nakatatanggap na ito ng dibidendo.
Kinuwestyon din ni BOndal ang mahal umanong matrikula sa College of Nursing na umaabot sa P32,850 hanggang P40,000 na malayo sa P1,500 hanggang P3,000 kada semestre na matrikula sa ibang kurso.
Nang pasukin ang kasunduan ang bise presidente pa ang alkalde ng lungsod.
“… In order to facilitate and/or expedite their accumulation and/or amassing of their ill-gotten wealth, public respondents, in conspiracy and/or in connivance with, the private respondents, grossly overcharged thousands of students who have enrolled and/or who studied at the College of Nursing of the UMak through the years,” saad ng reklamo.
Mag-amang Binay kinasuhan ng plunder
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...