Ex-minister sinabing hinakot ang mga dumalo sa protesta ng INC | Bandera

Ex-minister sinabing hinakot ang mga dumalo sa protesta ng INC

- September 01, 2015 - 03:09 PM

INC-rally
INAKUSAHAN ng dating minister ng Iglesia ni Cristo ang liderato ng INC na niloko umano ang mga miyembro para dumalo sa apat-na-araw na protesta para gawing pananggalang ng Sanggunian matapos niyang kasuhan ang mga miyembro nito ng illegal detention, coercion at harassment.
Sinabi ng itiniwalag na dating ministero na si Isaias Samson Jr. na nagsinungaling ang mga miyembro ng Sanggunian, ang pinakamataas na advisory council ng INC sa mga miyembro nito para dumalo sa mga kilos-protesta.

“I know who they are, what they can do and will do just to protect themselves… In the past days they have lied to people, they used the name of Bro. Eduardo V. Manalo in order to make the members of the church follow them and they even made the members of the church to shield them,” sabi ni Samson.
Aniya, pinalabas ng Sanggunian na nakatakdang arestuhin si INC executive minister Eduardo V. Manalo.

“The Sanggunian has been misleading and using them by saying that it is Bro. Eduardo Manalo is the one at stake in this particular problem, that it is Bro. Eduardo Manalo is the one being accused and therefore he will be arrested. Sanggunian knows very well that is not true and yet that is what they spread to the members of the church,” dagdag pa ni Samson.

Idinagdag ni Samson na hinakot din ng liderato ng INC ang mga miyembro nito maging sa mga malalayong lugar at isinakay sa mga inupahang mga sasakyan para makadalo sila sa mga protesta.
Aniya, maging mga bata at matatanda ay inatasan na dumalo rin sa mga pagkilos.

“God has placed the Sanggunian in shame because they have tried to mass or gather millions of member and yet they have failed miserably,” ayon pa kay Samson.

Tinangka pa ng grupo n mag-organisa ng protesta sa Cebu at Davao bagamat inihayag ng pamunuan noong Lunes na ititigil na ang mga kilos-protesta matapos umanong makipagkasundo sa Malacanang.
Itinanggi naman ng Malacañang na may kasunduang pinasok ang gobyerno sa INC.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending