HIYANG-hiya naman kami sa all-around-simpleng-ina/politiko-mula-sa-probinsya pakulo at sa pagiging camera-shy at low-profile daw nitong si Congresswoman Leni Robredo.
Ilang taon na rin ba ang ibinilang ng galawang pa-impress sa masa ni Leni?
Nariyan ang pagsakay-sakay niya ng bangka at bus, pagsusuot ng tsinelas habang nangangampanya, paghahanda ng baon ng mga anak kahit abala raw sa trabaho at ang pagtangging maglakad sa red carpet noong State of the Nation Address ni Pangulong Aquino.
Allergic na allergic sa media ang low-profile at camera-shy na si Leni? E bakit lahat ng mga pangyayaring ito ay kung hindi nakunan ng larawan at ipinagalandakan sa mga diyaryo ay nakakalat naman sa mga social networking sites at sa mga news programs na may matching interview pa?
qqq
Nagpapaligaw ba si Leni kay Interior Sec. Mar Roxas para gawin siyang ka-tandem nito sa 2016?
Halata kasing todo-effort ang mga handler niya na mapansin siya ng standard bearer ng Liberal Party.
Sa ikatlong anibersaryo ng pagkamatay ng asawa niyang si dating Interior Sec. Jesse Robredo, i- pinaalala niya sa buong Pilipinas na BFFs sina Mar at Jesse.
Humirit pa siya na isa si Mar sa iilang tao na pinaniniwalaan at hinahangaan ng kanyang mister.
“Ang tawag ko po sa inyo (Roxas) ay pangalawang asawa ni Jesse. ‘Yung asawa ko po nu’ng buhay pa ‘yun trabaho lamang saka bahay. Nung nasa Maynila na po siya at kalihim na ay siya madalas siyang makipag-almusal sa bahay n’yo,” dagdag pa niya, na ikinataas ng kilay ng marami.
Pero kapag tinanong mo siya kung may ambi- syon siyang maging running mate ni Mar, lilinyahan ka niya ng “Ayaw ng mga anak kong tumakbo ako bilang vice president.”
Natatandaan n’yo pa ba ang walang-kamatayang sagot niya noong kinukumbinsi pa siyang tumakbo bilang congresswoman? “Ayaw ng mga anak ko.”
qqq
Hindi pa kuntento sa mga pahaging kay Mar, nagpapansin din si Leni kay Grace Poe.
Sa isang panayam ay nagkamaling gawing ha- limbawa nitong si Grace si Jesse na gaya niya ay ki- nuwestiyon din ang pagi- ging Pilipino.
React kung react agad ang Leni: “Iba ang sitwa- syon ng asawa ko kay Sen. Grace Poe dahil minsan kasing itinatwa niya (Poe) ang kanyang pagka-Pilipino.”
Ang isyu lang ay parehong kinasuhan sina Poe at Jesse sa usapin ng citizenship, pero may masabi lang ay hinatak nang husto ng low profile at camera-shy na mambabatas ang sinabi ng senadora at ayun nagpa-interview agad sa media.
KSP si Leni
READ NEXT
Bakla, binaboy ng mga pulis-Maynila
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...