TINAPOS ng Iglesia ni Cristo (INC) ang tatlong araw na protesta sa Edsa kahapon matapos daw hinamas-himas ang religious sect ng gobyerno ni Pangulong Noynoy.
Sinabi ng INC na panalo sila pero ayaw sabihin ng administrasyon ni President BS (Benigno Simeon) Aquino, na ang palayaw ay Noynoy, kung anong mga ibinigay na concession sa religious group.
Kung sinakripisyo ni P-Noynoy ang rule of law, nakakahiya siya.
Talagang mahina kang Pangulo, Mr. BS.
Ang protesta ay ginawa upang pilitin si Justice Secretary Leila de Lima na mag-resign dahil sa pagbibigay aksiyon niya sa reklamo ng isang dating ministro laban sa ilang miyembro ng “sanggunian,” na governing body ng INC.
Sinabi ng liderato ng INC na ang reklamo ay internal affair o problema sa loob ng simbahan at dapat di makialam ang gobiyerno.
The INC leadership is invoking the separation of church and state.
Pero pinipilipit naman ng INC ang principle of church and state.
Hindi naman kasi inaatake ni De Lima ang INC kundi pinaiiral lang niya ang batas nang inatasan niya na imbestigahan ang reklamo laban sa mga miyembro ng sanggunian ng INC na isinampa ng dating ministro.
Tama si Sen. Aquilino Pimentel III, isang bar topnotcher: Ang ginawa ni De Lima ay laban sa ilang indibidwal na miyembro ng simbahan at hindi sa INC mismo.
Makinig tayo kay Pimentel dahil siya’y napakatalinong tao.
Dapat purihin si De Lima sa ginawa niya dahil malaki ang nawala sa kanya nang pagalitin niya ang INC whose members vote as a bloc during elections.
Ang justice secretary ay posibleng maging senatorial candidate sa 2016 election at nawala ang malaking bilang ng mga botante sa kanya.
Pero dapat itaguyod si De Lima ng karamihan sa mga botante at iluklok sa Senado.
Gaya ni Pimentel, si De Lima ay isa ring bar topnotcher.
Kailangan natin ang isang babaeng may prinsipyo sa Senado.
Kung pag-uusapan ang prinsipyo, wala si Sen. Grace Poe niyan.
Pinairal ni Poe ang pagiging politiko niya upang mapagbigyan ang kapritso ng INC.
May balak kasing tumakbo si Poe bilang Pangulo sa 2016.
Sinabi ni Poe na, “For me, those people are defending their faith. We respect that they also have to protect their rights.”
Anong ibig sabihin ni Poe na ipinagtatanggol ng INC ang kanilang paniniwala?
Para namang inuusig ni De Lima ang INC dahil sa kanilang relihiyon gaya ng ginawa ng mga Romano sa mga early Christians!
Malayong gawin ni De Lima yan, Madame Senator, dahil siya’y isang matalinong abogada.
Akala pa naman ng karamihan si Poe ay matalino, yun pala’y bobo rin siya.
Binaboy ng mga pulis sa Station No. 8 ng Manila Police District noong Biyernes si Michael Hingpit, isang bakla.
Ang kanyang kasalanan lamang ay makita siyang kayakap ang kanyang boyfriend sa loob ng taxi.
Isang matabang pulis ang kumuha ng cellphone at pitaka ni Micheal na naglalaman ng P5,000.
Pinipilit ng ilang pulis na tsupain niya ang kanyang boyfriend sa kanilang harapan. Hindi siya pumayag.
Nang kukunin niya sana ang kanyang cellphone at P5,000 sa tabatsoy na pulis, sinuntok siya nito at pinalo ng sandok sa ulo.
Sa palagay ko, hindi pakikinggan ni Interior Secretary Mar Roxas, chairman ng National Police Commission o Napolcom, ang hinaing ni Michael dahil hindi siya miyembro ng INC.