Composite sketch inalabas na kaugnay ng pamamaril sa cafe ni Taberna

qcpd2
INILABAS na ng Quezon City police ang composite sketch ng isa sa mga nasa likod ng pamamaril sa cafe ng broadcaster na si Anthony Taberna sa kahabaan ng Visayas ave., noong Biyernes.
Base sa mga nakalap na impormasyon ng mga pulis, inilarawan ang lalaki na nasa kanyang 40s, katamtaman ang pangangatawan, light brown complexion at 5’5 ang taas.
Ganap na alas-2 ng umaga noong Biyernes, pinaputukan ng dalawang armadong lalaki ang Ka Tunying’s coffee shop.
Wala namang nasaktan sa insidente.
Base sa CCTV, apat na lalaki na nakasakay sa mga motorsiklo ang nakita sa labas ng establisimento. Dalawa sa kanila ang armado, samantalang nagsilbi namang mga lookout ang dalawang iba pa.

Read more...