PATAY ang lima katao matapos malunod, samantalang sugatan ang siyam na iba pa matapos silang tangayin ng malakas na agos sa Pangasahan River sa San Jose, Tarlac matapos ang matitinding pag-ulan noong Linggo ng gabi.
Sinabi ni Tarlac provincial police director Senior Supt. Alex Sintin na narekober ang mga katawan nina Mark Raven Villanueva, Rocky Sumalinog, Jose Bernadette Ramirez, Jo Marie San Diego at Dooren Adriano matapos ang 12-oras na paghahanap simula alas- 6:30 ng gabi noong Linggo.
Idinagdag ni Sintin na kasama ang mga biktima ng isang grupo ng 54 mountaineers na nagsagawa ng outreach program sa Sitio Baag, na isang barangay ng Aeta sa Barangay San Pedro. Aniya, namigay ang grupo ng mga gamit sa paaralan at papunta na sa kabayanan ng San Jose, na dalawang oras ang ginugugol sa paglakad ng mangyari ang insidente.
Ayon kay Sintin, iniulat ang insidente ni San Jose Vice Mayor Romeo Capitulo ganap na alas-5 ng hapon.
Nailigtas naman ang 39 iba pa. Natagpuan ang tatlo sa mga nasawi sa paanan ng isang dam sa bayan ganap na alas-6 ng umaga.
Sinabi ni Sintin na isa pa ang nawawala matapos ang insidente.
“There were previous incidents of drowning there. This group did not coordinate with the Tarlac provincial tourism office or with the local government. They did not have local guides or received standard procedures for safety,” sabi ni Sintin.