Empleyado ng casino 70 beses na pinagsasaksak sa Pasay City

Unknown-2
PATAY ang isang babaeng empleyado ng isang casino hotel matapos 70 beses na undayan ng saksak sa kanyang condominium unit sa Pasay City noong Linggo.

Sinabi ng Pasay City police na nahaharap sa mga kasong murder at illegal possession of deadly weapon ang isang delivery boy matapos umamin na 70 beses niyang pinagsasaksak 29-na-taong gulang na biktima na si Rachelle Fernandez na nagtatrabaho sa Solaire Casino Hotel.
Kinilala ang suspek na si Ronald Rosello, 22, delivery boy.
Ayon sa suspek, nakatikim umano siya ng masasamang salita mula sa biktima kayat hinintay niya ito pintuan ng kanyang condominium unit sa ika-walong palapag ng Park Avenue Mansion sa kahabaan ng Park ave. sa Pasay City.
Idinagdag ng pulisya na inaalam pa ang motibo sa pagpatay, bagamat sinabing maaaring nasa impluwensiya ng droga ang suspek.

Ayon sa pulis, hindi naman ginahasa ang biktima at wala ring ninakaw mula sa kanya.

Read more...