HINAMON ng mga abogado ng nagsampa ng kaso laban sa mga opisyal ng Iglesia Ni Cristo ang gobyerno na isiwalat ang naging kasunduan sa INC matapos naman nitong itigil ang mga protesta.
Sinabi ng mga abogado na sina Trixie Cruz-Angeles at Ahmed Paglinawan na dapat isapubliko ang naging resulta ng pag-uusap sa pagitan ng Malacanang at ng mga lider ng INC.
“Tell us whether or not you’ve sold our client down the river or tell us if you haven’t. But you need to disclose this to us. A criminal case is not a political pawn,” sabi ng mga abogado ng itiniwalag na INC minister na si Isaias Samson.
Idinagdag nina Cruz-Angeles at Paglinawan na hindi maaaring ikumprimiso ang batas para lamang mapagbigyan ang INC.
“The President can grant pardons and issue clemency and amnesty. But you do not have the power to refuse prosecution,” dagdag ng dalawang abogado.
Ayon pa kina Cruz-Angeles at Paglinawan, dapat tiyakin ng gobyerno na mabibigyan ng patas na pagdinig ang kanilang kliyente sa DOJ.
“The fear now is that given the so-called agreement, a finding of no probable cause to make this nightmare go away for the INC’s Sanggunian is a very real possibility,” ayon pa kina Angeles at Paglinawan.
Kabilang sa mga kinasuhan ng pamilya Samson ay mga miyembro ng Sanggunian, ang pinakamataas na administrative council ng Sanggunian na sina: Atty. Glicero Santos Jr., Radel Cortez, Bienvenido Santiago Sr., Mathusalem Pareja, Rolando Esguerra, Eraño Codera, Rodelio Cabrerra at Maximo Bularan.