DOJ wala pang aksyon sa mga kaso vs mga opisyal ng Iglesia ni Cristo

DOJ-building-660x495
SINABI ng Department of Justice (DOJ) na wala pang aksyon sa mga kasong inihain laban sa mga miyembro ng Sanggunian, ang pinakamataas na administrative council ng Iglesia ni Cristo (INC).

Ayon kay Prosecutor General Claro Arellano, wala pa silang itinatalaga na prosecutor na siyang hahawak sa kaso, halos isang linggo matapos namang maghain ng kaso ang dating INC minister na si Isaias Samson Jr., ang kanyang asawa at anak laban sa mga miyembro ng Sanggunian.

Kabilang sa kinasuhan ng harassment, illegal detention, threats at coercion ni Samson at ng kanyang pamilya ay sina Glicerio Santos Jr., Radel Cortez, Bienvenido Santiago Sr., Mathusalem Pareja, Rolando Esguerra, Eraño Codera, Rodelio Cabrerra at Maximo Bularan.

Noong Biyernes, isa pang kaso ng harassment ang inihain ng dating miyembro ng INC na si Lito Fruto
laban sa mga miyembro ng Sanggunian.

Tinapos ng INC ang ilang araw na protesta kahapon matapos makipag-usap sa mga opisyal ng gobyerno.

Hindi naman ibinunyag kung ano ang napagkasunduan sa pag-uusap.

Read more...