“PINATAY” si Alden Richards sa social media.
Kumalat kasi ang “RIP Alden” kamakailan sa internet, bagay na ikonaloka ng milyun-milyong followers ng binata at ng kanyang ka-loveteam na si Maine Mendoza or Yaya Dub.
Ang nakakatuwa, instead na i-bash ng AlDub fans ang nagpakalat ng RIP Alden ay binigyan nila ito ng ibang interpretation. They felt that the RIP Alden meant “Realy Inspiring Person”..
Yes, ganyan ka-positive ang mga nagmamahal kay Alden, something na wala sa ibang celebrity fans. Imagine, naging positibo ang paningin nila sa basher at hindi nila ito niligwak sa panlalait.
“That’s how you respond to haters. Kudos to Aldub fans. Trying to educate haters is just a waste of time. It’s like talking to the walls.”
“Tsk. That’s a low blow. Really, RIP because of his popularity? That he’s the man in the spotlight? Glad that the response was positive to an otherwise creepy tweet.”
“Good job. Kung ganito lang lahat ang fandom ang saya. Nag boomerang sa mga haters ang RIP nila.”
“Mayron kasing malisyosong troll na hindi naman inaano tapos gustong ipa-trend ang RIP ALDEN RICHARDS.
Ang ginawa ng ALDUB fans binigyan ng positive meaning ung RIP instead na pagtulungan awayin ang creature na yun, na kayang-kaya nila kung tutuusin sa dami ba naman nila… or NAMEN, isama mo na ako dahil isa akong fan nila Alden at Maine at fan ako ng ALDUB Nation kasi they avoid bashing others.
“Meron sigurong iilan na hindi ma-control ang galit, or maybe dala ng pride para sa idol nila (like any fan), pero the majority hindi pumapatol (and they remind each other), dahil we respect ung iniidolo namen at ayaw namin na mapahiya sila sa ibang tao kung mag-aasal jejetards kami.
I really admire the fans as much as I admire Maine and Alden. Tuloy lang ang GV people, peace!”
Ganda ng reactions ng AlDub fans, ha. Iba ang style nila sa pagganti sa bashers.
MOST READ
LATEST STORIES