Isang mananaya mula sa Sampaloc, Maynila ang nanalo ng P91.4 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 sa bola noong Linggo.
Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office general manager Atty. Jose Ferdinand Rojas II isa lang ang tumaya sa number combination na 7-10-40-45-31-14.
Umabot sa P21.8 milyon ang halaga ng taya para sa naturang bola.
Nanalo naman ng tig-P52,040 ang 21 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P840 naman ang napanalunan ng 1,036 mananaya na nakaapat na numero at balik-taya (P20) ang 20,216 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Super Lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo. Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kumbinasyon.
READ NEXT
The rejection at Nazareth
MOST READ
LATEST STORIES