WAGI bilang grand winner ang 11-anyos na bananacue vendor na si Elha Mae Nympha ng ikalawang season ng talent search na “The Voice Kids” Linggo ng gabi.
Tinalo ni Elha mula sa Team Bamboo ang tatlong grand finalists na sina Reynan Dal-Anay na mula rin sa nasabing team, at Esang de Torres, 8 at Sassa Dagdag, 12 ng Team Lea Salonga.
Naiuwi ng grand champion ang recording contract mula sa MCA Music, Inc, isang music instrument package, family utility vehcile, house and lot na nagkakahalaga ng P2 milyon, P1 milyon cash at P1 milyon trust fund.
Nais ni Elha na gugulin ang napanalunang pera para sa pagpapatayo ng restaurant.
MOST READ
LATEST STORIES