Kakai, Kean, Michael, Sam, Denise pasok sa season 2 ng ‘Your Face’

kakai kean

Ipinakilala na ng ABS-CBN ang walong celebrity contestants sa bagong season ng Your Face Sounds Familiar.

Muling mapapanood ang reality celebrity impersonation competition ng Kapamilya network simula sa Sept. 5 kung saan muling uupo bilang mga judge sina Gary Valenciano, Jed Madela at Sharon Cuneta.

Si Billy Crawford pa rin ang magsisilbing host ng Your Face Sounds Familiar, pero makakasama na niya this time ang grand winner ng first season na si Melai Cantiveros.

Kaya asahan pa ang mas riot at mas exciting na season two ng programa. Ang walong maglalaban-laban bawat linggo ay sina Absolute Performer Sam Concepcion, The Soul Supreme KZ Tandingan, The Dental Diva Kakai Bautista, Harana Prince Michael Pangilinan, The Playful Angel Myrtle Sarrosa, Komikero ng Masa Eric Nicolas, Rebel Rock Royalty Kean Cipriano at ang Sultry Heiress Denise Laurel.

Read more...