ANG bongga ni Justice Secretary Leila de Lima!
Ito ay matapos siyang mag-trending sa social media gaya ng mga sikat na artista.
Nag-trending si De Lima sa loob ng 74 oras dahil sa hashtag na #DeLimaBringtheTruth. Dinaig pa nito ang iba pang hashtag gaya ng #IglesianiCristo at #EDSA.
Sabado ng gabi, ang hashtag na #DeLimaBringtheTruth, na pinanawagan ng netizen para sa kalihhim ng DOJ na huwag magbitiw sa kanyang pwesto gaya ng nais ng Iglesia Ni Cristo, ay umabot ng 138,000 tweets.
Samantala ang hashtag na #Edsa ay nagtala ng 54,600 tweet habang 19,600 naman ang tweet na nakuha hashtag na #IglesianiCristo.
Huwebes nang magsimulang magprotesta ang sekta sa harap ng tanggapan ng DOJ sa Padre Faura Street sa Maynila, at humiling sa pagbibitiw ni De Lima, na noon ay nagdiriwang naman ng kanyang kaarawan.
Ayon sa INC, nilabag ni De Lima ang principle ng separation of church and state dahil sa pagbibigay niya ng prayoridad sa gulo na nangyayari ngayon sa Iglesia nang payagan niyang makapag-file ng complaint ang sinibak na ministro na si Isaias Samson Jr. laban sa pamunuan ng Iglesia.